7PAMPASEKSI TIPS

GOODBYE BILBIL........

Gumagastos ng malaking halaga ang maraming tao, para lamang mabawasan ang kanilang sariling timbang-habang ang tangi lamang lumiliit at pumapayat sa kanila, ay ang kanilang pitaka. Bakit??
Sapagkat ang simple uri ng diet ay hindi umeepekto.Mababawasan lamang ng isang pulgada, ngunit makalipas lamang ang ilang linggo ay babalik na naman ang nabawas na timbang. Ayon sa isang Psychologist, ang secreto sa pangmatagalang pagmamantina ng nabawas na timbang, ay hindi ang kinukonsumong pagkain, ngunit kung paano mo ito kainin.
Ilan sa surefire tips na makapagpapapayat ng walang kahirap-hirap ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1.Kumain sa mas maliit na plato_ Ang anim na onsa sa 8 pulgadang sukat ng plato ay nagmumukhang marami na sa utak, na nagbubunsod sa mabilis na pagkabusog. Ang 12 inch na plato ay magmumukhang kulang sa marami ng sukat ng pagkain.
2.Kumain lamang sa lamesa_ Mas higit na limitado ang interapsiyon, at makakain ng sapat lamang , kaysa sa nakaupo sa sofa na hindi maiwasang makakain ng higit na marami,dahil tayo ng tayo, at pabalik-balik sa lamesa
3.Bumili sa maliit na supot_ Sa isang pag-aaral, ipinakikita na ang mga taong bumibili ng malalaking supot ng pasta ay nakakakunsumo ng dagdag na 23 porsiyento, kaysa sa mga bumibili sa maliit lamang na lagayan.
4.Iwasan ang pagkain kapag hindi nito oras_ kapag hindi nakakikita ng anumang pagkain, madalas ay nawawala na rin ito sa isip, kung kayat ang mga kendi at iba pang matatamis na mga pagkain na wala sa paningin ay nagpapaiwas na sa pagkunsumo sa mga ito.
5.Huwag ng isubo ang huling kutsara_ Ang simpleng gawi na ito ay makasasagip sa libong calories sa loob ng isang taon ,na magbubunsod sa pagbawas sa sariling timbang.
6.Iwasan ang maliit ngunit matabang baso_ Mas higit na piliin ang mataas at payat na baso, na ipinagpapalagay na mas nakaiinom ng marami. Mainam ito, lalo't softdrinks ang kukonsumuhin.
7.Piliin ang high- protien fooods_ Mas matagal silang manatili sa loob ng katawan, kung saan mas higit na nagiging busog sa matagal na oras. Mainam ding siguraduhing nakakakunsumo ng maraming reduced fat yogurt at water-packed tuna.

0 Response to "7PAMPASEKSI TIPS"

Seeking for work ?find here!

Apply Paypal Today,Build Your Online Business With PayPal

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.